Iniisip ko na sana masurprise ko ang sham2 ko sa first anniversary namin, gusto ko yung major major na surprise. So what I did is that I saved a lot of money para makaipon ako sa gagawin kong surpresa sa pinakamamahal ko. Grabe ang nangyari sakin that time, andami kong pinagdaanan para makaipon lang. First na naisip ko ay mamamasyal na lang kami sa MOA nun pero sumagi sa isip ko na bakit hindi na lang ako magprepare ng isang special dinner na ako mismo ang maghanda para sa kanya. Imposible man pero naplano ko lahat ng gagawin ko para sa dinner na yun. First nagisip muna ako ng place or venue na may magandang ambiance, yung gaya ng nakikita ko sa mga pelikula, yung sweet ba. Wala akong maisip na magandang place nun kasi pagnagrent pa ako mapapamahal ako ng bayad nun, pero kasi gusto kong maging special yung night na yun para samin eh so nagisip talaga ako ng magandang place but the last place na naisip ko ay sa bahay ng auntie nila rogem na friend namin. No choice ako that time kasi wala din akong pera masyado so what I did, bumuli ako ng mga tela na worth 1k ata lahat yun, pati mga christmas lights(buti na lang at christmas na nun mura c-lights s bayan..hehehe) all in all umabot ako ng 3k sa decorations lang, pati sa pagpipinta ng bakal na parang tent eh ginawa din namin kahit mainit at sikat na sikat ang araw..tnx sa mga kaibigan ko na nagtyagang tumulong sa preparations na ginawa ko, andame naming nagawa at enjoy naman kami, natatawa nga kami nun kaming tatlo ni rogem at jomar(naisekreto ko sa sham2 ko yung ginawa kong surprise until nung anniversary namin) kasi pinagdududahan kami ng sham2 koh na nagbebeer hauz daw kaming tatlo(joke hahahaha)..That time walang kamalay malay ang sham2 koh sa ginawa namin, pinaganda tlaga namin ang venue na kagaya sa mga romantic dates na napapanuod ko sa tv kaya masayang masaya ako nun at excited sobra..Ok na ang lahat ang preparations ng venue pati ng food halos lahat ng paghihirap namin malapit ng magwakas hinihintay ko lang yung araw ng first anniversary namin. Medyo nagkatampuhan kami ng sham2 koh kasi nagtatalo kami kung san kami mag aanniversary sabi ko we spend time na lang with friends at sabi ko sa hauz na lang nila rogem ang venue namin, medyo naging magulo ang sitwasyon kasi pinipilit ko na magspend kami ng time sa hauz nila rogem pero di pala alam ng sham2 koh na may nagaantay palang surprise sa kanya nun. Dec. 18 christmas party namin yun, napaaga ang celebration namin na dapat ay kinabukasan pa sana kaso may gagawin daw na x-mas party sa hauz nila rogem, so ang nangyari napaaga ang plano ng celebration..medyo di rin naging maganda ang mood ko nun kasi late na ng makapunta kami sa hauz nila rogem kasi masyadong nawili sila sa x-mas party nun at pasenya sa mga kaibigan ko kasi naudlot yung pagkain sana nila kasi minadali ko kasi masyado ng late yun. Akala ng sham2 ko nun nagyaya lang ako ng simpleng inuman sa hauz nila rogem di niya alam isusurprise ko sya nun. medyo late na kami nakarating medyo nilagyan ko pa kasi ng konting drama yung pagpunta namin, pinauna ko kasi sila rogem, jomar, jasper, moja, ador sa venue para iprepare nila yung set, mga candles at yung food(tnx nga pala mga tol). Medyo nagkatampuhan pa kami ng sham2 ko nun para mapatagal ko lang yung pagdating namin dun sa venue at para masurprise na lang sya sa hinanda ko. Pagdating namin dun medyo di pa prepare lahat kasi nagsisindi pa lang ng mga candles sa table at sa dadaanan ng sham2 koh papunta ng table namin kung san kami magroromantic candle dinner(dami ngang kandila eh hahaha ubos pera ko pero ok lang kasi sulit naman). Nilagyan ko ng piring ang mga mata ng sham2 koh para naman surprise talaga, pumuwesto ako sa may likod ng kurtina at kakanta na ng theme song namin which is "my endless love". Ready na ang lahat, kinakabahan ang sham2 ko habang nakapiring ang mga mata nya at nakapuwesto na rin sa dadaanan nyang may candles, bigla akong bumirit ng endless love at tinanggal na nya ang piring at major major nasurprise sya sa mga pangyayari, di nya alam na may ganun na mangyayari that time. Halos maiyak sya(pinigilan daw nya sabi nya sakin after namin magdate hahaha) at di halos makapaniwala, lahat ng yun nagawa ko sa tulong ng mga kaibigan ko, ang di ko akalaing imposible ay nagawa ko nung mga time na yun..Sobra grabeng tuwa ko, naging masaya lahat ng nangyari kasi lahat ng favorite things pati pagkain ay ibinigay ko sa kanya kaya tuwang tuwa sya(lalo na sa hello kitty na regalo ko sa kanya, may gold ring din akong ibinigay kaso di nagkasya, sana icherish nya yun 4ever..)sa lahat. Naging masaya ang date naming yun, yun ang pinakaunang anniversary namin na pinakamasaya ako at sana masundan pa ng madaming anniversary..Sana masayang masaya sya nun at sana di nya rin makalimutan lahat ng yun..Salamat nga pala sa mga kaibigan kong tumulong sa preparations at pasensya napauwi din kaming maaga at di kayo nasaluhan sa inuman..hehehe..bawi na lang sa susunod..sana nandyan pa rin kayo sa next surprise ko, tnx ulit ng marami kung di dahil sa inyo walang surprise na nangyari kaya utang ko yun sa inyo..Sa buhay natin ngayon kung may bagay kang gusto mung abutin o kaya eh kunin gawin mo lang ang lahat ng makakaya mo para makamit mo yun..wag kang susuko para maging masaya ka rin di ba? dahil ang buhay natina ay weather weather lang yan..Sana nagustuhan nyo ang kuwento ko at sigurado ako masusundan pa to pag maraming nagcomment dito at nagrequest for another love story of my life..
No comments:
Post a Comment